Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

OFWs sa Israel, nangangamba sa kaguluhan

$
0
0

NANGANGAMBA na maging sa pagsakay sa tren at bus ang ilang overseas Filipino worker (OFW) sa Jerusalem, Israel dahil sa patuloy na kaguluhan sa naturang bansa.

Ayon kay Mrs Aida Rimando, tubong Laoag, kasalukuyang nagtratrabaho sa Jerusalem, mula ng mangyari ang rocket attack ng mga militanteng Hamas ay hindi na siya masyadong naglalalabas sa bahay ng amo.

Kung lumabas man daw ito ay iniiwasang sumakay ng tren at bus.

Sinabi ni Rimando na kahit ang mga kakilala niyang Pinoy na nagtratrabaho rin sa Jerusalem ay may pangamba ring sumakay ng tren at bus dahil baka may makasakay na Hamas lalo’t hindi naman nila mamumukhaan ang mga ito.

Sinabi pa nito na walang ibang sisisihin sa nangyayaring kaguluhan sa Israel kundi ang mga Palestinians dahil sila rin ang lumabag sa ipinatupad na ceasefire.

Sinabi pa niya na may mga bansa kasing sumusuporta sa Hamas tulad ng Syria at Lebanon na kalapit bansa lamang ng Israel.

Kinumpirma rin ni Rimando na maraming Pilipino ang nagtratrabaho sa mga lugar na maituturing na mapanganib sa naturang bansa. Johnny F. Arasga


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129