MINABUTI na lamang ng isang lalaki na magbigti kaysa lumala ang dinaranas na mild stroke kamakailan sa Valenzuela City, Huwebes ng umaga, Hulyo 17.
Nakilala ang biktima na si Reynante Lopez, 42, ng Gov. Santiago St., Malinta ng lungsod.
Sa ulat, alas-8 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima na nakabitin ng electrical cord sa loob ng kanilang bahay.
Nabatid na labis na nag-aalala ang biktima sa kanyang karamdaman dahilan upang tapusin na ang buhay. Rene Manahan