Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Lola tigbak sa motor, rider kritikal

$
0
0

PATAY ang isang lola matapos mabundol ng motorsiklo habang kritikal ang rider na nakabundol sa una sa Valenzuela City, Linggo ng hapon, Hulyo 27.

Namatay habang ginagamot sa Valenzuela General Hospital (VGH) sanhi ng tinamong pinsala sa ulo at katawan ang biktimang si Adela Uy, 75, ng Fortune Village 5, Paso De Blas ng lungsod.

Inoobserbahan naman sa nasabing ospital sanhi rin ng pinsala sa ulo at katawan ang rider ng Skygo (8041-UB) na si Fred Pencalin, 44, ng San Simon, Pampanga.

Batay sa ulat, alas-3:55 ng hapon, tatawid sana ang lola sa San Diego St., Paso De Blas ng lungsod nang mahagip ng motorsiklo ni Pencalin.

Sa lakas ng impact ay sabay na tumilapon ang biktima at suspek dahilan upang dalhin sa VGH kung saan nahaharap ang rider sa kasong reckless imprudence resulting in homicide. Rene Manahan


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>