Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

4 na tulak, timbog sa Navotas

$
0
0

SWAK sa kulungan ang apat na hinihinalang notoryus na tulak ng ipinagbabawal na droga sa magkakahiwalay na operasyon ng mga awtoridad kahapon ng madaling-araw sa Navotas City.

Kinilala ang unang supek na si Alfonso Maraino, 47, ng #26 Beunaventura St., Brgy. Tangos kung saan nakuhanan ng anim na sachet ng shabu habang iniaabot sa isang poseur buyer dakong 1:30 ng madaling-araw.

Samantala, naaresto naman ang magsyotang sina Alma Talilong, a.k.a. Madam, 47, ng Maria Clara St., 6th Avenue, Caloocan at Edwin Bolo, a.k.a. Monching, nasa hustong gulang ng Pier 18, Road Manila na nakuhanan na tatlong sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P4,000 sa isinagawang buy-bust sa kahabaan ng Road 10, Brgy. North Bay Boulevard South (NBBS).

Dakong 3:40 ng madaling-araw naman nang maaresto si Cezar Javier, 57, ng  Cabrera St., Brgy. San Roque, Navotas na nakuhanan ng dalawang sachet ng shabu.

Batay sa imbestigasyon nina PO3 Randulfo Hipolito at PO1 Suaib Karim, isinagawa ang mga operasyon laban sa mga pusher dahil sa mga reklamong natatanggap mula sa mga residente sa lugar.

Nabatid na notoryus ang mga suspek kaya naman agad na ikinasa ang operasyon upang linisin ang lugar laban sa mga adik na siyang pinag-uugatan ng lumalalang krimen sa lugar.

Sinampahan na ng mga kasong paglabag sa R.A. 9165 o Dangerous Drugs Act ang mga suspek sa piskalya ng lungsod. Roger Panizal


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129