Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Kelot dumayb sa tulay sa Cavite, tigbak

$
0
0

BASAG ang bungo ng isang lalaki nang tumalon sa tulay sa Cavite kaninang umaga, Agosto 22.

Inilarawan ang biktimang nasa edad 20 – 25, balingkinitan ang katawan, naka-t-shirt at maong short pants.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 9 ng umaga sa isang tulay sa Barangay Hugo Perez, Trece Martires, Cavite.

Sinabi ni Supt. Gerry Umayao hepe ng Cavite Police, na tinangkang pigilan ng mga residente ang pagtalon ng naturang lalaki sa may 60-foot bridge pero hindi na ito napigilan pa.

Hinihinala namang may diperensya sa pag-iisip ang biktima dahil balisa ang pagkilos nito at parang wala sa kanyang sarili. Robert Ticzon


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129