Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Mag-ina natagpuang patay sa Bacolod pension house

$
0
0

PINANINIWALAANG nilaslas muna ng isang ginang ang pulso ng kanyang sariling anak bago nagbigti sa Bacolod City nitong nakaraang Biyernes ng hapon, Agosto 22.

Natagpuan ang bangkay ng biktimang si Leah Canete, 34, sa loob ng banyo na may nakapulupot na lubid  sa leeg habang nakita naman ang bangkay ng anak nitong si Hanna Kate, 4, sa ibabaw ng kama na laslas ang pulso.

Nadiskubre ang insidente alas-12:25 nitong Biyernes ng hapon sa Room 20 ng Bacolod Pension.

Ayon sa staff ng nasabing pension house, nag-check-in ang mag-ina nitong nakaraang Huwebes ng alas-6:40 ng gabi.

Nang hindi nag-checkout kinabukasan ang naturang mag-ina, kinatok ng isang room boy ang kuwarto pero walang nagbubukas ng pintuan.

Gamit ang master key, binuksan ng roomboy ang pintuan ng kuwartong inookupa ng mag-ina at nadiskubre ang krimen at maging ang isang blade na pinaniniwalaang ipinanlaslas sa paslit.

Ayon sa kamag-anak ni Canete, umalis ng kanilang bahay ang mag-ina nitong nakaraang Huwebes ng hapon at nagpaalam na bibili lamang ng gatas na ang pera ay mula sa ipinadalang pera ng mister na isang security guard sa Cavite.

Nabatid din na si Canete ay nagkaroon ng nervous breakdown may anim na buwan na ang nakakaraan.

Inirereklamo rin ni Canete nitong nakaraang linggo ang laging pagsakit ng ulo at hirap na matulog. Robert Ticzon


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>