Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

2 senior citizen, dakip sa tongits

$
0
0

KALABOSO ang tatlong katao kabilang ang dalawang senior citizen matapos mahuling nagto-tongits sa Valenzuela City, Linggo ng umaga, Agosto 24.

Nakilala ang mga nadakip na sina Mylene Calaguim, 35; Theresa Batac at Daniel Ragos, kapwa 60 at pawang ng Veinte Reales ng lungsod.

Base sa ulat, alas-10 ng umaga nang maaktuhan ng mga nagpapatrulyang mga pulis na nagto-tongits ang mga suspek sa lugar ni Batac na agad pinagdadampot saka dinala sa presinto.

Nakatakdang sampahan ng kasong illegal gambling ang mga nadakip. Rene Manahan


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129