PATAY ang isang binata matapos pagsasaksakin ng isa sa mga nagrarambulan na mga kalalakihan na kanya lamang inawat sa Caloocan City, Huwebes ng madaling-araw, Agosto 28.
Dead-on-arrival sa Caloocan Medical Center (CMC) sanhi ng dalawang saksak sa katawan si Dominic Tilisan, 19, ng Kapanalig St., ng lungsod.
Batay sa ulat, alas-12:30 ng madaling-araw, nagrarambulan ang dalawang grupo sa nasabing lugar kung saan umawat ang biktima.
Isa sa mga nagrarambulan ang nagalit sa pakikialam ng biktima kaya naglabas ng patalim at tinarakan ang biktima dahilan upang dalhin sa CMC ngunit namatay noon din.
Nagpulasan ang dalawang grupo nang dumating ang mga pulis habang tinutukoy na kung sino ang sumaksak sa biktima. Rene Manahan