NAILIGTAS nga mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang siyam na babaeng biktima ng human trafficking sa 2nd Avenue, Caloocan City.
Ayon kay NBI-Anti-Human Trafficking Division (AHTRAD) Chief Eric Nuqui, matagal din nilang minanmanan ang iligal na operasyon sa lugar na ikinukubli ang mga babae sa mga barong-barong bago ibugaw sa mga naka-check in sa kalapit na motel.
Pawang mga biktima ng bagyong Yolanda mula Samar ang mga ibinubugaw na babae. Apat sa mga nasagip ang sinasabing menor-de-edad. Johnny Arasga