Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Binata grinipuhan saka tinangay ang bag

$
0
0

SINAPAK at sinaksak bago tinangay ang bag ng isang binata ng hindi pa kilalang suspek habang naglalakad ang una kasabay ang kaibigan sa Valenzuela City, Lunes ng madaling-araw, Setyembre 1.

Ginagamot sa Valenzuela General Hospital (VGH) sanhi ng saksak sa tagiliran si Jeffrey Monares, 24, ng Northville 1-B, Punturin ng lungsod.

Base sa ulat, alas-12:01 ng madaling-araw, kasabay na naglalakad ng biktima ang kaibigan sa nasabing lugar nang salubungin ng suspek bago sinapak at sinaksak si Monares.

Kinuha ng suspek ang bag ng biktima na naglalaman ng cellphone at cash na P2,300 bago tumakas habang dinala naman sa VGH ang huli kung saan inaalam na ng mga pulis kung sino ang una. Rene Manahan


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>