PATAY ang isang ex-convict matapos walang habas na pagsasaksakin ng dating inmate at kasamahan sa grupo sa Tondo, Maynila, Miyerkules ng hapon.
Dead on arrival nang isugod sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktima na si Vicente Dominguez, 30, pedicab driver at miyembro ng Commando Gang, at taga-Mata St., ng nasabing lugar.
Nakatakas naman ang suspek na si Honard Gregorio alyas “Toto,” 22, ng 376 Mata St., sa Tondo.
Sa ulat ni SPO2 Ronald Gallo ng Manila Police District Homicide Division, dakong 2:00 ng hapon nang maganap ang insidente sa Daisy St., kanto ng San Sebastian, Tondo Maynila.
Nabatid na dating magkasama sa selda ang dalawa at nagkaroon ng alitan. Nang magkita silang muli matapos na makalaya ay nagka-initan at nagsuntukan ang dalawa dahil sa away na hindi naresolba.
Habang nakahiga at nagpahinga umano ang biktima sa mesa nang lapitan ni Gregorio at ilang beses na sinaksak sa dibidb.
Patuloy naman ang paghahanap ng pulisya sa biktima na hinihinalang nagtatago na.