NIYANIG ng 3.5 magnitude na lindol ang Vigan, Ilocos Sur kaninang madaling araw Enero 5, 2013 (Sabado).
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), dakong 1:08 ng madaling araw kanina nang yanigin ng lindol ang naturang lugar.
Sinabi ng Phivolcs na ang location ng lindol ay 033 kilometro ng Katimugang 50* Kanluran ng Vigan, Ilocos Sur.
Nabatid pa sa ulat na ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng lindol ay 032 kilometro.
Wala naman iniulat na napinsala o inaasahang aftershock sa naturang lindol.