Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

2 salvor nalunod sa salvage ops, patay

$
0
0

TODAS ang dalawang salvor driver ng Omega Steel and Marine Services nang malunod sa karagatan ng Canjulao, Lapu-Lapu City, Cebu.

Nalunod ang mga biktima na sina Alger Sumaylo at Glenn Pahit, kapwa 27-anyos, habang isinasagawa ang salvage operation sa lumubog na barko na MV B & A Anga noong nakaraang taon.

Nabatid sa Coast Guard Mandaue Detachment na sinisid ng dalawang biktima ang malalim na bahagi ng karagatan upang makuha ang mga bakal sa ilalim ng barko at doon na nalunod ang dalawa.

Patay na ang dalawa nang makuha ng mga diver ng Coast Guard.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>