BUTAS ang ulo sanhi ng tama ng bala ng isang lalaking natagpuang wala ng buhay sa kalsada sa lungsod ng Pasay.
Ang naturang biktima ay inihulog umano sa isang motorsiklo na walang plaka sakay ang dalawang hindi kilalang lalaki at binaril ng malapitan sa center island ng service road at Buendia Avenue sa naturang lungsod.
Nasa 30 hanggang 35 anyos ang edad katamtaman ang pangangatawan naka-suot ng sando na kulay orange blue at short na kulay fatigue at nakatapak. Sinabitan pa ng mga suspek ang leeg ng biktima ng isang karton kung saan nakasulat ang “holdaper,wag tularan “.
Base sa pagsisiyasat na isinagawa nina SPO3s Allan Valdez at Joel Landicho, ng Station Investigation and Detective Management Section ng Pasay City Police dakong alas-6:15 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa biktima sa kanto ng Roxas Boulevard at Buendia Avenue Pasay City.
Nabatid kay David John Ordiales y’Samson 24 anyos security guard ng Eslabon Security Agency na nakatalaga sa Mirasol Building na siya umano ay nasa No.53 Buendia Avenue ng naturang lungsod ng mapansin nito ang isang motorsiklo na may sakay na tatlong lalaki na dumaan sa center island ng Buendia.
Mga ilang sandali ay nagbalik ito at huminto sa isang madilim na lugar at ibinaba ang ikatlong sakay ng motorsiklo sa center island at binaril ng dalawang beses sa leeg at ulo at sinabayan ng takas patungong Roxas Boulevard sa nabanggit na lungsod.
Nabatid kay SSUPT Rodolfo Asejo Llorca hepe ng Pasay City Poilice maaaring binaril sa ibang lugar ang biktima kung saan inihagis na lamang sa naturang lugar upang iligaw ang isasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.