Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

OFW na umuwi sa bansa, nawawala

$
0
0

NAWAWALA ang isang overseas Filipino worker (OFW) matapos itong dumating sa bansa noong Disyembre 5, 2012.

Humingi na ng tulong sa pulisya ang maybahay ng OFW na si Rosie Cruz, 50-anyos, dahil sa nawawalang si Cesar Cruz, 52, nang hindi ito dumating sa kanilang bahay noong pang Disyembre 5, 2012, mula sa Riyadh, Saudi Arabia.

Ayon kay Rosie, ng 70 Fabella St., Bgy. Plainview, Highway Hills, Mandaluyong City, sa huling pag-uusap nila sa cellphone nang nasa Saudi Arabia pa ang kanyang mister, masaya pa ito nang ibalita sa kanya na muli siyang makakauwi noong Disyembre 5, upang magbakasyon at makapiling ang kanyang pamilya.

Pabalik-balik na ang kanyang mister sa Saudi Arabia na 15-taon na itong nagtatrabaho sa isang pagamutan sa naturang bansa.

Sinabi pa ng ginang na hindi talaga nagpapasundo sa airport ang kanyang mister dahil ayaw na nitong maabala pa ang miyembro ng kanyang pamilya kaya’t hinihintay na lamang nila ang pag-uwi nito sa kanilang bahay.

Gayunman, nang hindi nakauwi sa inaasahan nilang petsa ang kanilang padre-de-pamilya, nag-alala na ang ginang lalu na nang maberipika nito na kasamang dumating ang kanyang mister sa mga pasaherong galing ng Riyadh sa NAIA Terminal 1 noong Disyembre 5.

Ayon sa ginang, ilang ulit na rin nilang tinatawagan sa cellphone ang kanyang mister,  subalit hindi na nila ito makontak dahil naka-off na ang mobile phone nito. Wala naman  sa hinagap ng ginang na umuwi ito sa ibang babae dahil mabait umano na asawa si Cesar.

Sisimulan naman ng Pasay City Police ang pag-iimbestiga sa NAIA kung saan maari itong nahagip ng mga CCTV ng pumasok na ito sa arrival area ng paliparan.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129