AABOT sa 100 gramo ng shabu ang nakumpiska ng pinagsanib na elemento ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at PNP sa isinagawang entrapment operation sa Leyte.
Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac, Jr. ang mga ehente ng PDEA Regional Office 8 (PDEA RO8) sa ilalim ni Director Gil Pabilona sa pakikipagtulungan ng City’s Anti-Illegal Drugs Special Operations Task Force-Leyte Police Provincial Office (CAIDSOTF-LPPO) at Regional Special Operations Group (RSOG) isinagawa ang buy-bust operation sa loob ng pension house sa Barangay Hipusngo, Baybay, leyte, hatinggabi noong Marso 22, 2013.
Nadakip sa isinagawang operasyon ang mga suspek na sina Fernando Balagbis, alyas Intoy, 43, nasa target list ng drug personalities at Yolly Prieto, 34, kapwa ng Baybay, Leyte .
Ang dalawa ay nadakip matapos pagbilhan ng shabu ang isang poseur-buyer sa loob ng pension house.
Nahulihan ang dalawa ng mga awtoridad ng iligal na droga, Llama cal. .45 na baril at bala at tinatayang P300,000 halaga ng shabu.