NABULGAR ang ginawang panggagahasa ng 20-anyos sa kanyang 12-anyos na pinsang buo sa Cabarroguis, Quirino.
Ayon kay PO1 Luisa Daulayan, women and children’s desk ivestigator ng Cabarroguis Police Station, ang biktima ay itinago sa pangalang “Ana,” 12, Grade 5 pupil, habang ang suspek ay pinsan niyang walang trabaho.
Oktubre 2014 nang simulang hipuan ng suspek si Ana na nakatira sa kanilang tahanan at Disyembre 2014 nang tuluyan nitong gahasain ang dalagita.
Bakasyon noong Mayo 2015 ay hindi na napilit ang bata na tumira sa bahay ng suspek sa Quirino kaya’t sa lalawigan na lamang ng Ifugao ipinagpatuloy ang kanyang pag-aaral.
Noong nagdaang linggo, ilan sa mga pinsan ni Ana ang nakatuklas sa pangmomolestiya sa kanya ng suspek.
Dito na rin umamin si Ana na ginahasa siya ng kanyang pinsan makaraang tanungin ng kanyang mga magulang.
Inihahanda na ng Cabarroguis Police Station ang kasong rape in relation to Republic Act 7610 (child abuse law) laban sa suspek. JOHNNY ARASGA