Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Stude inararo ng van dedo, 2 pa sugatan

$
0
0

DEDO ang isang estudyante habang sugatan ang dalawa pa nang araruhin ng isang van habang naghihintay ng masasakyan sa Tondo, Maynila.

Isa dito ang binawian ng buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Hospital na nakilalang si Faye Nikka Bautista, 20, estudaynte, at taga-1071 Batangas St., Tondo.

Sugatan naman ang dalawa pang sina Erica May Gabriel, 21, estudyante, ng 1356 Lardizabal St., Sampaloc, Manila, at Joseph Ocol, 22, estudyante, taga-1065 Batangas St., Tondo sanhi ng mga sugat sa katawan.

Sinampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide, multiple physical injuries at damaged to property ang driver ng van na si Michael Enriquez.

Ayon kay SPO2 Bert Francisco ng Manila Traffic Bureau, dakong 11:00 ng gabi nang naganap ang insidente sa Honorio Lopez Blvd. malapit sa panulukan ng Dalaga St., Gagalangin, Tondo.

Nabatid na minamaneho ni Enriquez ang Mitsubishi Canter at pagsapit sa kahabaan ng Honorio Blvd at Dalaga St. ay nawalan umano ito ng kontrol dahilan para araruhin ang mga biktima na noo’y nakatayo lamang sa kalsada at nahihintay ng masasakyan.

Sa lakas na impact ay pumailalim si Bautista bago humampas sa likurang bahagi naman ng trailer truck na nakaparada sa lugar.

Mabilis namang dinala sa nabangit na pagamutan ang biktima ngunit hindi na naisalba pa. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


KASAMBAHAY BILL IN THE HOUSE


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


EASY COME, EASY GO


Love with Heart Breaking Quotes


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


FORTUITOUS EVENT


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Smile Quotes


Letting Go Quotes


Love Song lyrics that marks your Heart


RE: Mutton Pies (frankie241)


Hato lada ym dei namar ka jingpyrshah jong U JJM Nichols Roy (Bah Joy) ngin...


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>