Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

2 pugante nanlaban sa pulis-Cavite, tepok

$
0
0

TEPOK ang dalawang takas na bilanggo matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Rosario, Cavite.

Agosto 9 nang makatakas sa detention cell ng PNP-Rosario ang limang bilanggo na pawang nahaharap sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.

Napag-alamang nakatanggap ng impormasyon ang mga pulis na nagtatago sa may ilog ng barangay Muzon Dos ang dalawa sa mga inmate kaya’t nagsagawa silang operasyon na nauwi sa palitan ng putok.

Kinilala ang mga napatay na sina Josefino Abad at Lyndon Bartolo, habang patuloy ang manhunt operations sa tatlong iba pa na sina Cannymar Carinio, Frederick Legaspi at Ryan James Villanueva.

Una rito, isa sa limang inmates ang diumano’y nagpatay-patayan sa loob ng selda at nang buksan ito ng jail guard ay agad nila itong inatake at tumakas. JOHNNY ARASGA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>