KULONG ang isang tatay matapos tagain ang anak makaraan ang pagtatalo habang nag-iinuman sa Caloocan City Linggo ng tanghali, Abril 7.
Nahaharap sa kasong attempted parricide si Dominador Albano, 57, ng Phase 4-C, Bagong Silang ng lungsod.
Inoobserbahan naman sa East Avenue Medical Center sanhi ng taga sa kaliwang balakang si Richard Albano, 30, ng nasabing lugar.
Batay sa ulat, dakong alas-12:30 ng tanghali, nag-iinuman ang mag-ama sa tapat ng kanilang bahay nang magtalo.
Pumasok sa loob ang suspek at paglabas ay may dalang bolo at nilapitan ang anak bago tinaga.
Dinala sa EAMC ang biktima habang nadakip ang suspek ng mga rumespondeng mga pulis kung saan inaalam na ang pinagtalunan ng mag-ama.