ISINAILALIM na sa inquest proceedings ang lalaking nagpakilalang empleyado ng gobyerno na nag-amok sa MPD headquarters matapos maaresto kahapon.
Si Arvin Tan ay naaresto sa kanyang bahay sa New Manila, Sta. Mesa.
Sinampahan ng kasong malicious mischief, damage to property, resisting arrest at unjust vexation ang suspek.
Isasailalim din sa drug test at phychiatric test ang suspek makaraang mapag-alaman sa kanyang kaanak na may iniinom itong gamot at wala rin sa katinuan nang siya’y arestuhin ng pulisya.
Nagtamo ng tama ng bala sa likuran bahagi ng katawan si Tan nang paputukan ito ng mga pulis nang paharurutin ang kanyang sasakyan at sagasaan ang mga miyembro ng media.
Narekober din sa kanyang bahay ang ginamit na sasakyan kung saan putok ang gulong at may tama rin ng bala. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN