Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Babaeng recuiter ng Maute-ISIS, huli sa NBI

$
0
0

NAARESTO ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang babaeng muslim na nangangarap ng mga dayuhan para magkalat ng terorista at rebelyon sa Pilipinas gamit ang internet at social media.

Iniharap sa media ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II ang naarestong si Karen Aizha Hamidon, 36, nanunuluyan sa isang condominium sa Bonifacio Global City kung saan nakuha sa kanya ang mga cellphone, laptop, tablets at iba pang electronic device na ginagamit niya sa kanyang illegal online activities.

Naaresto si Hamidon ng mga ahente ng NBI-Counter Terrorism Division noong Oktubre 11 sa Taguig City sa bisa ng Seach warrant at may isang linggong isinailalim sa interogasyon bago ipinrisinta sa mga mamahayag.

Nakatakdang sampahan ng 14 na kasong paglabag sa Article 318 (Inciting a rebellion or Insurrection) sa ilalim ng Revised Penal Code at paglabagsa R.A. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012 at kaso pang rebelyon dahil sa na-retreive sa kanyang cellphone na 296 post ng isinasagawa niyang paghihilayat at pagre-recruit ng mga fighters na muslim para tumulong sa pakikipaglaban ng Maute-ISIS group sa Marawi City.

Ayon kay Aguirre, ginamit ni Hamidon ang “Telegram” application para sa panghihikayat ng mga dayuhang fighters na pumunta sa Pilipinas at maghasik ng terorismo.

Nabatid na isang araw bago maaresto si Hamidon nag-post pa ito sa Telegram ng propaganda sa social media na nagsasaad na “The soldiers of Taghut are desperate to defeat the Muhajireen of the Islamic State of Marawi City…but Wallahi they won’t be successful. They won’t be able to defeat the force of Dawlah because Allah (Azza wa Jaal is on their side). That is why the Dawlah is once again inviting all our ikhwaanil Muslimeen in all parts of the Philippines and around the world to support our Muhajireen of East Asia. Let us go to Marawi, in Mindanao to join the war against the Conquerors of the soldiers of Tawagheet.”

Patuloy umanong inaalam ng NBI kung gaano na karami ang na-recruit na fighters ni Hamidon na pumunta sa Marawi at ito ay nagsimula sa kalagitnaan pa ng 2016 kung saan matagumpay niyang na-recruit ang ilang Indian nationals na pumunta sa Pilipinas at umanib sa Islamic extremist group sa Mindanao.

Si Hamidon na tubong Zamboanga pero ipinanganak sa Quezon City ay asawa ni Mohammad Jaafar Maguid, alyas Tokboy, at Abus Sharifa, dating lider ng Ansar Khalifa Philippines (AKP) group na responsible sa pambobomba ng Davao City night market noong Setyembre 2016 sa pakikipagtulungan sa Maute group, gayundin sa tangkang pambobomba sa US Embassy sa Maynila noong Disyembre 2016.

Una rin naging asawa ni Hamidon si Muhammad Shamin Mohammed Sidek,isang Singapore national na nakakulong dahil sa pagkakaugnay nito sa ISIS at kaibigan rin ni Musa Cerantonio, isang Australian Islamist preacher na nakapaghikayat ng maraming dayuhan na umanib sa ISIS at isinasailalim rin ng iba pang foreign intelligence agencies dahil sa posibleng pagkakaugnay nito sa international terrorist financing at pagapalaganap ng Islamic propaganda. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>