Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Pera ng kumpanya nilustay sa casino, messenger kulong

$
0
0

KULONG ang isang 24-anyos na messenger nang lustayin sa casino ang daan-daang libong pambayad ng pinapasukang brokerage and freight services sa isang shipping lines, sa Binondo, Maynila.

Ang suspek na si Jhon Ace Tanedo, ng Tramo St., Pasay City, at empleyado ng Fortune Brokerage and Freight Services, Inc., ay isinailalim na sa inquest proceedings sa kasong qualified theft na inihain ng kinatawan ng kumpanya na si Freddie Niceta III, 48.

Sa ulat mula sa tanggapan ni C/Insp. Eduardo Pama, hepe ng Manila Police District-Theft and Robbery Section, si Tanedo ay inireklamo ng suspek ng assistant finance manager na si Niceta matapos umamin na naipatalo niya sa casino sa Sta. Cruz, Maynila ang halagang P200,000 na ipinagkatiwalang ipadala sa kanya para ibayad sa Ben Line Shipping Lines.

Napag-alamang nitong Nobyembre 3 nang umalis si Tanedo alas-9:30 ng umaga para magtungo sa nasabing shipping line upang magbayad at maiproseso na mga papeles sa paglalabas ng mga kargamento sa Pier subalit umabot na ng hapon ay hindi pa rin makontak ang suspek sa kanyang cellphone.

Dakong 4:00 ng dumating sa opisina ang suspek na hindi makasagot sa mga katanungan kung nakabayad na ito.

Maya-maya ay nakiusap ang suspek na mag-usap sila sa labas at doon ay may isang lalaki na naghihintay at nagsabing nakasangla ang motorsiklo ng suspek.

Sa puntong iyon ay ipinagtapat na ng suspek na naipatalo sa casino ang dalang malaking halaga kaya hindi nabayaran ang shipping line.

Dahil sa pangyayari, isinama ang suspek sa pulisya para sa kaukulang imbestigasyon at pagsasampa ng kaso.

Malaking pagsisisi naman para sa suspek ang pangyayari dahil nasira na ang tiwala sa kanya ng manager na ninong pa naman niya sa kasal at malapit na ring manganak ang kanyang misis. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>