Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Maria Isabel Lopez, tatanggalan ng lisensya

$
0
0

POSIBLENG matanggalan ng lisensya ang aktres na si Maria Isabel Lopez matapos alisin ang traffic cones para makadaan sa ASEAN Lane sa EDSA nitong nakaraang Sabado.

Dahil dito, irerekomenda ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagsuspensyon sa driver’s license ni Lopez.

“That lane has been the subject of a series of [meetings] ng security. We are the host country, mabuti at walang nangyaring banggaan otherwise the Philippine government particularly MMDA will be hit and not the beauty queen, who is also a [representative] of the country,” pahayag sa text message ni LTFRB board member Aileen Lizada sa mga reporters.

“LTO has been informed of her violation,” dagdag pa nito. “She is not a good role model as a beauty queen.”

Si Lopez, na siyang pambato ng bansa at Binibining Pilipinas Universe 1982 titleholder, ang umani ng batikos nang i-post niya sa kanyang FB account na tinanggal niya ang divider cones na naghihiwalay sa ASEAN Lanes na nakareserba para sa delagado para hindi matrapik sa Sabado.

“Driving with hazards ‘on’ at the #aseanlane. I removed the divider cones!! Then all the other motorists behind me followed! MMDA thinks I’m an official ASEAN delegate! If you can’t beat ‘em, join them! #nosticker #leadership,” pahayag ni Lopez sa kanyang Facebook post.

Sinabi ni Lizada na sinabihan na niya si Philippine National Police (PNP) Chief Dir. Gen. Ronald dela Rosa na imbestigahan si Lopez sa posibleng “security breach.”

“Paimbestigahan natin,” pahayag ni Dela Rosa sa isang text message kay Lizada na ipinakita naman ng LTFRB official sa mga mamamahayag.

Sinabi ni Lizada na rerebyuhin ng LTFRB ang closed-circuit television camera footage sa lugar para malaman ang iba pang detalye ng mga motorista na nagsunuran sa sasakyan ni Lopez. BOBBY TICZON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>