Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Ex-Ph Marine dedo sa tandem, parak sugatan

$
0
0

PATAY ang isang dating miyembro ng Philippine Marine matapos pagbabarilin ng dalawang riding-in-tandem, habang malubhang sugatan naman ang isang pulis na rumesponde at ang electrician na tinamaan ng ligaw kagabi, Nov. 26, sa Navotas City.

Hindi na umabot nang buhay sa Tondo Medical Center sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang dating Marine na si Philip Panelo, 39, ng Northbay Boulevard South sa nasabing lungsod.

Patuloy namang inoobserbahan sa nasabing pagamutan sanhi ng tama ng bala sa pantog si PO2 Clemencio Santos, 42, nakatalaga sa Navotas Police, at Danilo Montances, 54, ng Block 7, Lot 40, Phase 1-B na tinamaan ng ligaw na bala sa puwet habang naglalakad.

Sa imbestigasyon nina PO3 Philip Edgar Valera at PO1 Filbert Madio, pasado alas-9:30 ng gabi, naglalakad si Panelo sa kahabaan ng Bisugo St., Brgy. NBBS nang dumating ang apat na mga suspek na sakay ng dalawang motorsiklo at walang sabi-sabing pinagbabaril ang dating sundalo.

Naaktuhan ni P02 Santos ang insidente na agad rumesponde at nakipagbarilin sa mga suspek subalit tinamaan ito sa pantog kaya nabitawan ang baril.

Matapos ang barilan, kinuha ng isa sa mga suspek ang service firearm ni PO2 Santos bago mabilis na tumakas habang isinugod naman ang mga biktima sa nasabing pagamutan.

Patuloy naman ang masusing imbestigasyon ng mga pulis upang matukoy ang pagkakilanlan at maaresto ang mga suspek, habang inaalam pa ang tunay na motibo sa insidente. ROGER PANIZAL


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>