Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

NPA ambush: Pulis dedo, 6 iba pa sugatan

$
0
0

PINASABUGAN muna ng landmine bago rinatrat ng mga hindi nakilalang armadong kalalakihan na hinihinalang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang isang patrol mobile na puno ng mga pulis sa Camarines Norte kaninang Sabado ng madaling-araw.

Dahil sa pag-atake, isang pulis ang nalagas na nakilalang si PO2 Richard Abad habang sugatan naman ang iba pa na nakilalang sina PO2 Ronald Gutierrez, PO2 Ericson de Vera, PO1 Jeffrey Tarrobago, PO1 Pedro Valeros, PO1 Romar Umandap, at PO1 Johnson España na pawang miyembro ng Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO).

Isinugod ang mga nasugatan na pulis sa Camarines Norte Provincial Hosptal (CNPH) sanhi ng iba’t ibang pinsala sa katawan.

Naglatag na ng hot-pursuit operation ang military at pulis para mahuli ang mga ambushers.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong 1 a.m. sa isang masukal na bahagi ng Sitio Binuang, Brgy. Daguit sa Labo town.

Bago ito, lulan ang mga biktima sa kanilang patrol mobile nang pagsapit sa lugar ay pinasabugan ng landmine saka pinaulanan ng mga bala ang kanilang sasakyan.

Sa inisyal na pagsisiyasat, may nakitang bakas ng pumutok ng landmine sa ambush area.

Hinala ng awtoridad na mga rebelde ang sumalakay sa mga biktima dahil ang lugar ay kilalang baluwarte ng NPA.

Samantala, may isang motorcycle rider, na naipit sa pag-atake ang nagtamo ng minor injuries. BOBBY TICZON


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>