Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

2 huli sa pagdadala ng marijuana sa mall

$
0
0

KALABOSO ang dalawang lalaki kabilang isang menor de edad matapos na mahulihan ng  marijuana kagabi sa Tutuban mall sa Divisoria, Tondo, Maynila.

Sa report ng Manila Police District-Station 2, papasok ng nasabing mall ang menor de edad  kasama ang delivery boy na si Sherdan Torcundador, 19, ng Parola Compound,Tondo, Maynila   nang maharang sila ng guwardiya ng mall na si Macario Lazarte.

Kinapkapan umano ni Lazarte ang dalawa nang makuha kay Torcundador ang isang plastic sachet ng marijuana at ilang drug paraphernalias .

Nang makitaan ng ipinagbabawal na droga  ang mga suspek ay hindi na sila pinayagan pang makapasok ng mall at dinala sa kanyang opisina ng Tutuban mall saka itinurn-over sa pulisya upang maimbestigahan.

Inihahanda na ang kasong isasampa sa suspek habang patuloy pang iniimbestigahan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129