Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Filipino-Pakistani nat’l, tiklo sa pamba-blackmail

$
0
0

TIMBOG ang isang Filipino-Pakistani national matapos ireklamo ng dati niyang girlfriend dahil sa pagpo-post nito ng kanyang mga hubad na larawan sa social media nang makipaghiwalay sa isang entrapment operation sa Quezon City.

Kinilala ng NBI-Anti-Cybercrime Division ang suspek na si Abdul Razaq Bukhari, na may hawak ng parehong Pilipino at Pakistani citizenship.

Sa reklamo ng complainant na ayaw magpabanggit ng kanyang pangalan nakilala niya ang suspek sa kanyang Facebook account at kalaunan ay nagkaroon sila ng long distance relationship.

Gamit ang Facebook Messenger, nag-demand umano ang suspek na ipakita ng dalaga ang mga pribadong bahagi ng kanyang katawan na hindi niya naisip ang magiging resulta nito dahil napamahal na rin siya sa suspek.

Pero kalaunan ay nadiskubre ng complainant na may asawa pala ang
suspek kaya nagdesisyon siyang wakasan na ang kanilang relasyon.

Hindi umano ito tinanggap ng suspek at matapos na mabigong himukin ang dating girlfriend na magbalikan sila ay blinackmail ng suspek ang dalaga sa pamamagitan ng pag-post online ng kanyang mga hubad na larawan at pagpapadala sa mga ito sa kanyang mga kaibigan.

Nagbanta ang suspek na magpo-post pa ng iba niyang larawan kung hindi siya makikipagkita at makikipagtalik sa kanya kaya humingi na ng tulong sa NBI ang biktima na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Kasong paglabag sa Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Children Act, Article 282 ng Revised Penal Code kaugnay ng RA 10175 o ang Cybercrime Prevention Act at RA 9995 o ang Anti-Photo and Video Voyeurism Act ang isinampang kaso sa suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>