NAGPASAKLOLO na sa National Bureau of Investigation (NBI) ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) upang maimbestigahan kaugnay sa naganap na pagpaslang sa abogado ni Kerwin Espinosa na si Atty. John Jonah Ingab, Vice Mayor ng Ronda, Cebu.
Ayon kay NBI Director Dante Gierran, nais ng IBP na magsagawa ng malawakang imbestigasyon ang NBI upang agad makilala ang mga salarin at manapagot sa krimen.
Nababahala ang samahan ng mga abogado sa gitna ng sunud-sunod na pamamaslang sa kanilang mga miyembro at sa mabagal na pagkakaloob ng hustisya.
Una rito, humingi na rin ng saklolo sa NBI Region 7 ang pamilya ni Ungab upang mapadali ang pagresolba ng mga awtoridad sa krimen.
Naninindigan ang Pamilya Ingab na walang kinalaman sa bawal na droga ang bise-alkalde, kundi, pinagtatanggol lamang nito ang kliyenteng si Kerwin Espinosa, ang itinuturing na drug lord ng Eastern Visayas.
Samantala, ngayong umaga ay itutuloy ni Judge Silvino Pampilo ng Manila RTC Branch 26 kaugnay sa kaso ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban kay Espinosa. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN