BAYAMBANG, PANGASINAN – Posibleng matanggal bilang guro ng isang state university ang isang lalaki matapos ireklamo ng pangmomolestya ng isang menor-de-edad na babae sa Bayambang sa nasabing lalawigan noong Martes, February 20.
Arestado ang suspek na si Florencio Bagaforo, Jr., propesor ng Pangasinan State University (PSU) ng nasabing bayan.
Sa imbestigasyon, inireklamo si Bagaforo ng isang 15-anyos na batang babae na hindi na pinangalanan ng pangmomolestya.
Bukod sa pang-aabuso, nahaharap din sa kasong estafa ang suspek dahil sa paghingi niya ng P5,000 sa biktima dahil ilalabas diumano ng suspek ang kanilang larawan habang minomolestya niya ang biktima.
Hindi na pumasok ang suspek buhat nang inireklamo siya ng biktima.
Ayon naman sa pamunuan ng PSU Bayambang, nakahanap na sila ng substitute teacher na papalit kay Bagaforo.
Nagsasagawa rin ng sariling imbestigasyon ng PSU Bayambang tungkol sa kaso at possible nilang tanggalin sa trabaho ang suspek kung mapatunayang nagkasala ito.
Nahaharap sa kasong child abuse at extortion ang suspek na naaresto ng mga kagawad ng National Bureau of Investigation (NBI)-Pangasinan. ALLAN BERGONIA