Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

ASEC. MOCHA, PIA INENDORSO NI MAYOR SARA SA PAGKA-SENADOR

$
0
0

INIHAYAG ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na hindi siya tatakbo sa pagka-senador sa halip inendorso niya ang dalawang babaeng kandidato na umano’y karapat-dapat na maglingkod sa publiko.

Sa “Tapang at Malasakit” activity sa Hongkong, sinabi ng anak ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga overseas Filipino worker na dumalo sa naturang event na wala siyang planong tumakbo sa pagka-senador, sa halip, hinikayat nito ang mga OFW na iboto sina Presidential Communications Operations Office Assistant Secretary Mocha Uson at Deputy Speaker ng Kamara ng si Rep. Pia Cayetano.

“Hindi ko kayang iwanan ang mga anak ko. ‘Yun din ‘yung reason kung bakit hindi ako tatakbong senador. Kasi hindi ko, sorry, hindi talaga,” pahayag ni Duterte-Carpio sa harap ng mga tagasuporta ng Pangulo.

“Pero meron akong i-endorse sa inyo, nariyan si Usec. Mocha Uson at nandyan si Senator Pia Cayetano, sila ang ilagay nating mga senator,” aniya.

Samantala, sa kanyang Facebook post, pinasalamatan ni Uson ang anak ng Pangulo sa pagkonsidera sa kanya sa naturang posisyon subalit iginiit nito na wala pa siyang planong tumakbo sa pagka-senador.

“Una sa lahat, ako po ay taos-pusong nagpapasalamat kay Mayor Inday Sara Duterte sa tiwalang ibinigay niya po sa akin. Ngunit sa ngayon po ay trabaho po muna tayo. Naniniwala ako na ang panawagan sa mas mataas na tungkulin ay isang panawagan mula sa Panginoon,” ayon kay Uson.

Matatandaan na isinama kamakailan ni House Speaker Pantaleon Alvarez, secretary general ng ruling political party na Partido Demokratiko Pilipino–Lakas ng Bayan (PDP-Laban), ang pangalan ni Uson sa senatorial slate ng partido sa 2019 elections.

Inihayag din ni Alvarez ang pangalan nina Presidential Spokesperson Harry Roque, Davao City Representative Karlo Nograles at Bataan Rep. Geraldine Roman na kasama sa senatorial slate ng partido. KRIS JOSE


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>