ARESTADO ng National Bureau of Investigation-Technical Intelligence Division (NBI-TID) ang isang gang leader at notoryus Abarquez robbery hold-up na nag-ooperate sa area ng CALABARZON.
Kinilala ni NBI Director Dante A. Gierran ang suspek na si Prensica Clodualdo na naaresto sa isang joint operation ng NBI-TID and Naval Intelligence and Security Force (NISF) na nagsilbi ng warrant of warrant of arrest laban dito.
Sa beripikasyon mula sa Identification Records Division (IRD) and validation ng mga impormasyon, nakumpirma na sa desisyon na may petsang Oktubre 24, 2002 ni Hon. Norberto Y. Geraldez ng Regional Trial Court Branch 36 Calamba, Laguna, napatunayan na guilty si Clodualdo kasama ang kapwa akusadong sina Paran Pacanza y Malate and Lamberto Pancanza y Malate Jr. sa kasong robbery in band na tinukoy at pinarusahan sa ilalim ng Artikulo 296 na may kaugnayan sa Artikulo 294 ng Revised Penal Code, at sinentensiyahan ang mga ito na maparusahan ng pagkabilanggo ng anim na (6) taon at isang (1) araw ng Prision Correcional bilang minimum hanggang sampung taon (10) ng prison mayor bilang maximum at lahat ng mga parusang accessory sa ilalim ng naturang batas.
Matapos ang ilang serye ng surveillance, ikinasa ang pagsalakay ng TID, NISF at Philippine Navy kay Clodualdo na noo’y nagtatrabaho bilang in-house security ng Luxe Auto and Marine Trading Corporation sa Pasay City.
Gamit umano ng akusado ang pangalang “Raymundo A. Castro” upang pagtakpan ang iligal nitong aktibidad. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN