PATAY ang isang helper nang pagbabarilin ng di nakilalang suspek habang abala sa pagkukumpuni ng motorsiklo kagabi sa Tondo, Maynila.
Dead on arrival sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktimang si Christopher Cena, 24, at residente ng Slip Zero, Malonzo Compound, Pier 2, sa Tondo.
Inaalam naman ang pagkakilanlan ng suspek na inilarawang nakasuot ng sky blue na t-shirt, itim na shorts at ball cap.
Sa report ni PO3 Dennis Turla, ng Manila Police District -homicide section, alas-10:30 ng gabi habang nagkukumpuni ng motorsiklo ang biktima kasama ng kanyang kapatid na si Crisanto, 19, at dalawang iba pa na sa tabi ng Well Cargo Building sa Malonzo Compound nang dumating ang suspek at walang sabi-sabing pinagbabaril ang biktima.
Tumakas naman ang suspek matapos ang krimen.
Patuloy naman inaalam ang motibo ng krimen at pagkakilanlan ng mga suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN