Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Murder laban sa Aegis Juris itutuloy ng MPD

$
0
0

TULOY ang pagsusulong ng Manila Police District (MPD) sa kaso laban sa respondents sa krimen hanggang sa matamo ang hustisya.

Ito ay sa kabila ng naging desisyon ng Department of Justice (DOJ) kaugnay sa pagkamatay ng UST Law stydent na si Horacio “Atio” Castillo III.

Ayon kay Supt. Erwin Margarejo, ang tagapagsalita ng Manila Police District, pansamantala lamang ang pagkatalo sa kaso sa naging desisyon ng DOJ.

Titiyakin din aniya na isusulong pa rin nila ang kaso upang nakamit ng pamilya ang hustisya sa pagkamatay ni Asio.

“Although some personalities were not included in the information it is just only temporary setback on our side but we will assure the family of ATIO that we will continue to pursue this case till the end in the interest of justice”, ani Margarejo.

Sa kabila nito, ikinagalak ng MPD ang resolution ng DOJ na nagrerekomenda ng kasong criminal o murder laban sa mga miyembro ng Aegis Juris na pinaniniwalaang nasa likod ng pagkakapaslang kay Horacio Castillo III.

Si Castillo ay natagpuang patay ng kanyang mga magulang sa morge ng Chinese General Hospital noong buwan ng Setyembre 2017 na ang katawan ay kulay talong dulot ng matinding hazing o pagpapahirap.

Kabilang sa mga pinakakasuhan ng DOJ dahil paglabag sa Republic Act 8049 o Anti-Hazing Law ay sina Arvin Balag, Ralph Trangia, Oliver John Audrey Onofre, Mhin Wei Chan, Danielle Hans Matthew Rodrigo, Joshua Joriel Macabali, Axel Munrio Hipe, Marcelino Bagtang, Jose Miguel Salamat at Robin Ramos. Kasong perjury at obstruction of justice ang pinasasampa laban kay John Paul Solano .

Samantala, ibinasura naman ng DOJ ang reklamo laban kina UST Faculty of Civil Law Dean Nilo Divina at Faculty Secretary Arthur Capili dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.

Abswelto naman si Mark Anthony Ventura dahil siya ay nasa ilalim ng Witness Protection, Security and Benefits Program ng DOJ. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>