Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

manhaunt operasyon kinasa laban sa magkapatid na de Guzman

$
0
0

IPINAG-UTOS ngayon ng Police District (MPD) ang manhunt operation laban sa magkapatid na Grade 12 at Grade 7 student na pumaslang sa isang-19 anyos na
Marketing student ng National University (NU) Sampaloc, Maynila.

Ayon kay SPO3 Glenzor Vallejo, may hawak ng kaso  na may sinusundan ng lead ang pulisya pero itinanggi nitong banggitin ang detalye sa pangambang masunog ang operasyon.

Hinimok ni Vallejo ang magkapatid na suspek na sina Ariel, di tunay na pangalan,15, Grade 7 student sa Arellano University  at ang kuya nitong si Eiffee de Guzman,19 at Grade 12 student sa Lyceum of the Philippines student at kapwa residente ng 221 Riansarez  St., Legarda, Sampaloc, Maynila na mas makabubuting sumuko na lamang sa pulisya at harapin ang kanilang kaso.

Ang biktimang si Daniel Hernandez, 4th year college at taga 726 Molave St. San Jose Rodriguez, Rizal ay anak umano ng isang opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP) na si SFO1 Aldrin Hernandez.

Matatandaan na naganap ang insidente dakong  1:40 ng madaling-araw sa labas ng “Lakay Billiards” sa Sampaloc, Maynila.

Nabatid na nag-iinuman umano sa naturang bilyaran ang biktima at mga kaibigan nito ng dumating ang mga suspek na kakilala ng mga kasamang babae ng biktima.

Nalaman sa mga testigong si Mark Angelo Laza at Angelo Mendoza may nasabing hindi maganda ang suspek sa biktima na nauwi sa masamang tinginan at sagutan ng “pilosopo” hanggang sa lumabas ang magkapatid sa bar.

Sinundan umano ito ng biktima para kausapin pero kaagad umano itong sinaksak ni Ariel at nakipagsapakan naman ang kuya nito sa iba pang kasama ng biktima.

Nang makitang may tama ang biktima mabilis na tumakas ang magkapatid sakay ng Toyota Vios na may plakang AAO 8021 na pag-aari umano ng kanilang ina .

Inabandona rin umano ng magkapatid ang sasakyan sa harap ng kanilang bahay kung saan dito narekober ng mga pulis ang ginamit na .29 balisong ng suspek at may nakita rin dugo sa loob ng sasakyan. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>