Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Basurero nabagsakan ng pader, patay; 2 pa kritikal

$
0
0

PATAY ang isang basurero habang sugatan naman ang dalawa kasamahan nito matapos mabagsakan ng gumuhong pader habang nagpapahinga sa tabi nito sa Quezon City kahapon ng hapon Marso 18, 2018 (Linggo).

Ayon kay P/Supt. Rodelio B. Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD),hindi na umabot ng buhay sa East Avenue Medical Center ang basurerong si Jimmy Alcera,46,residente ng No.143 Calamba St.,Brgy. Sto. Domingo, sanhi nang pagkabasag ng bungo, at pagkabali ng buto sa katawan.

Nasa kritikal na kondisyon naman sa Orthopedic Hospital ang dalawa pang kasama nito na nakilalang sina Grace Cabigting, 29, dalaga, residente ng Maria Clara St., Brgy. Sto. Domingo, at Ronald Anoya, driver, at naninirahan sa Biak na Bato ng nasabing barangay. Sila ay nagtamo ng malalalim na pasa, sugat at pagkabali ng buto sa katawan.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ni PO3 George Caculba ng CIDU, ang aksidente ay nangyari dakong alas-5:40 ng hapon nitong nakalipas na Linggo sa harapan ng No. 96 Don Manolo St., kanto ng Biak na Bato, Brgy. Sto. Domingo,QC..

Nabatid sa ulat na dahil sa tindi umano ng init at pagod sa pangangalakay ng basura ay nagpasya na maupo at magpahingi sa tabi ng nasabing pader ang biktima at ang dalawa pang kasama nito, subalit bigla na lamang bumigay ang kanilang sinasandalang concrete wall barrier.

Sa tindi nang pagkakaipit ng mga biktima sa pader ay agad na tumulong ang mga bystander at tumawag sa Disaster Risk Reduce Management Office (DRMMO) ng Quezon City Hall.

Matapos ang ilang oras ay naiahon ang mga biktima mula sa pagkakaipit sa pader at isinugod sa nabanggit na ospital subalit minalas na nasawi si Alcera. SANTI CELARIO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>