LIMA ang dinakip habang isa naman ang nasugatan sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga awtoridad sa Brgy.Payatas,Quezon City kahapon ng hapon Marso 20, 2018 (Martes).
Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Chief Superintendent Guillermo Lorenzo T Eleazar ang mga dinakip na sina Enrique Quiambao , 32, alias Kalabaw at Ramil Calzado, 22, kapwa ng Brgy. Payatas, QC.
Ayon kay Eleazar nadakip ang dalawa dakong 4:30 ng hapon nitong nakalipas na Martes sa No. 105 La Trinidad St.,Payatas B.,Brgy. Payatas,QC.
Sinabi sa ulat na isang undercover police ang nagpanggap na poseur buyer at bumili ng shabu ng halagang P500 kay Quimbao at Calzado matapos ang transaksyon nakatunog umano ang mga suspek na pulis ang kanilang katransaksyon kaya tumakbo ito sa loob ng bahay ni Quimbao.
Agad bumunot ng baril na cal..38 revolver si Calzado at pinaputukan ang mga pulis na gumanti naman ng putok ng baril na ikinasugat ni Calzado sa kanan binti.
Kaugnay nito apat pang suspek ang nadakip ng mga pulis na kinilala na sina Fedelito Calzado,52, Remigio Calzado,22, ng La Trinidad St.,Payatas B, Brgy. Payatas, Ringo Bunuan,43, ng Majaas St.,Brgy. Payatas at Mark Atanacio, 26 ng Brgy. Commonwealth na nadakip sa bahay ni Quimbao at nahulihan ng iba’t ibang sachets ng shabu ang mga suspek.
Nakumpiska ng mga awtoridad ang 28 sachets ng shabu sa mga suspek na nagkakahalaga ng P80,000.00,dalawang maliit na timbangan,drug paraphernalia, buy-bust money at hindi lisensyadong cal. .38 revolver at bala. SANTI CELARIO