NAARESTO ng pinagsanib na pwersa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang “NANAD group” na kilalang nag-ooperate ng drug trade sa Cavite at Pasay City.
Bitbit ang search warrant na ibinaba ng Bacoor, Cavite Regional Trial Court branch 89, isinagawa ang operasyo na nagresulta ng pagkakaaresto ng mga suspek na sina Maynard Alfaro, dating Brgy. Chairman sa Pasay City, at mga kapatid nitong sina Jonathan Alfaro, Archie Alfaro.
Arestado rin ang dalawang kasamahan nila na sina Romeo Laurenaria Jr., at Henry Moyano. Nakuha mula sa mga ito ang 1 kalibre 40 na pistol, glock 23 pistol, mga drug paraphernalia,ilang sachet ng iligal na droga, mga ID at mga bala. Mahaharap sa patong patong na kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act, paglabag sa Firearms and Ammunition Regulation Act at Omnibus Election Code. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN