Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Lolo, pinagtulungan saksakin ng mag-anak

$
0
0

PATAY ang 53-anyos na construction worker matapos pagtulongang saksakin at bugbogin ng tatlong lalaki sa Tondo, Maynila kagabi.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Hospital ang biktima na nakilalang si Noel Mandahuyan, may-asawa, residente ng Building 29 Unit 37, Aroma Compound, Tondo,Maynila.

Naaresto nama ang isa sa tatlong suspek na si Raul Navarro, nasa hustong gulang at residente rin ng nasabing unit habang pinaghahanap pa ng pulisya ang dalawa pang suspek na sina Jeffrey Duran alyas Anding, nasa hustong gulang at Megn Duran, kapwa nakatira sa nasabing lugar.

Sa ulat ni PO2 Jonathan Ruiz, imbestigador ng Manila Police District-Homicide section, dakong alas-6:30 kagabi nang maganap ang insidente sa ikalawang palapag ng Building 29.

Sa salaysay ng testigong sina Rosemarie at Josephine Olitan, sa di mabatid na kadahilanan ay dinamba umano ang biktima ng tatlong suspek na noo’y armado ng patalim.

Habang pinatutulongang saksakin ng mag-anak na Duran ang biktima ay sinusuntok at sinasampal naman ito sa mukha ni Navarro.

Tinangka pa umanong makatakas ng biktima sa mga suspek subalit patuloy siyang inundayan ng saksak sa katawan.

Matapos ang pananaksak ay saka tumakas ang mga suspek subalit nahuli si Navarro sa isang follow up operation ng MPD-Station 1.

Sasampahan ng kasong murder si Navarro na nakatakdang iharap sa Manila prosecutors Office para sa Inquest proceedings gayundin kaparehong kaso din ang isasampa laban sa mag-anak na Duran. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>