Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

18 wheeler truck, bumangga; 2 sugatan

$
0
0

WASAK ang harapan ng isang 18 wheeler truck nang bumangga sa isang poste kagabi sa Quiapo, Maynila.

Dalawa naman ang sugatan kabilang ang driver ng trak na si Antonio Asebron, 55, at ang isang lalaking tumatawid sa Arlegui St.

Mag aalas-11 umano kagabi nang mawalan ng kontrol ang trak at bumangga sa poste.

Sa lakas ng bangga ay halos madurog na ang harapang bahagi ng trak at nagkalat sa daan ang mga debris at windshield.

Agad din namang nakaresponde ang emergency team at dinala sa pagamutan ang sugatang lalaki na ngayon ay hindi pa batid ang pangalan.

Maswerte ring hindi masyadong malala ang sugat ng driver na si Asebron. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>