TIMBOG ang dalawang ginang sa isinagawang simultaneous police visibility at anti-criminality patrol ng mga elemento ng Barbosa Police Community Precinct kaninang madaling-araw.
Nahulihan ng droga ang mga suspek na sina Rosalinda Sumini, 58-anyos, isang dishwasher at Rose Perez, 34-anyos na pawang residente ng Sta.Cruz, Maynila.
Dakong alas-12:45 ng madaling-araw ng maaresto ang dalawa sa C. Palanca St. corner Quezon Blvd. Brgy. 384, Quiapo, Maynila.
Nauna rito, nagpapatrolya umano ang mga pulis nang namataan ang grupo ng mga tao kabilang na ang dalawang suspek habang nagsusugal ng “tong-its”.
Nang sitahin, doon na nadiskubre ang bitbit nilang droga.
Kasong paglabag sa PD 1602 o Possession of Dangerous Drugs ang kahaharapin ng mga suspek na ngayon ay nakadetine na sa himpilan ng pulisya sa Maynila. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN