Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

800 kilong botcha, bulok na imported na karne, nasabat sa Maynila

$
0
0

NASABAT ng National Meat Inspection Service (NMIS) ang may 800 kilo ng botcha at bulok na imported na karne kaninang madaling araw sa Divisoria.

Ayon kay Dr. Joey Diaz, nagsagawa ng inspeksyon ang NMIS sa mga pampublikong pamilihan para na rin sa nalalapit na pagdiriwang ng Bagong Taon kung saan maraming mga tindera o tindero ang pananamantala na magbenta ng double dead na karne o botcha.

Dakong alas 1:00 ng simulang suyurin ng mga tauhan ng NMIS ang palengke sa Divisoria at 500 kilong bulok na imported na karne at 300 kilong botcha o double dead meat ang nakumpiska sa kanto ng Juan Luna Street at Claro M. Recto Avenue, sa Tondo, Maynila.

Nabatid na ang mga botchang karne ay ipinupuslit sa palengke at inihahalo sa mga bawat kilo ng sariwang karneupang hindi mahalata ng mga mamimili.

Tiniyak naman ni Diaz na patuloy ang kanilang inspeksyon sa mga palengke upang matiyak na ligtas ang mabibili at kakainin ng publiko lalo ngayong pagsalubong sa Bagong Taon.

Pinayuhan naman ni Diaz ang publiko na maging mapanuri sa pagbili ng karne at tiyakin na sariwa angmga karne bago bumili..

Ilan aniya sa palatandaang botcha ang karne ay kung maputla ito o di kaya’y mapulang-mapula dahil sa artipisyal na pangkulay ng mga tindero.

Sinabi pa ni Diaz na madulas din ang mga bulok na karne at masangsang amoy.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>