KRITIKAL ang isang mister matapos pagsasaksakin ng nakababatang kapatid na nakatalo sa Caloocan City, Martes ng gabi.
Inobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Ronald Caseja, 42 ng Tuna st., ng lungsod, sanhi ng mga saksak sa katawan.
Pinaghahanap naman ng mga pulis ang nakababatang kapatid ng biktima na si Allison, 18-anyos, ng nasabing lugar.
Sa ulat, dakong alas-9:00 ng gabi, nagtatalo ang mag-utol sa loob ng kanilang bahay nang biglang kumuha ng patalim ang suspek at pinagsasaksak ang kuya.
Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa JRMMC.
Inaalam na kung ano ang pinag-ugatan ng away ng dalawa.