NANGHILAKBOT ang isang construction worker nang makahukay ng isang kalansay ng tao sa pagtatayuan ng pundasyon ng bahay na kanyang ginagawa sa Sta.Ana, Maynila, Huwebes ng hapon.
Nabatid na naghuhukay si Erick Joven, 25-anyos, nang paglalagyan ng poste ng bahay dakong alas-3:30 kahapon nang mahukay niya ang isang kalansay ng tao.
Ayon kay PO3 Cris Ocampo, ng Manila Police District-Homicide Section, hindi pa malaman kung lalaki o babae ang nakuhang kalansay.
Nabatid na pag-aari ni Paulino Cadsaran Jr., ng 2206 Onyx St. San Andres Bukid, Sta. Ana, Maynila ang lupang hinuhukay ni Joven.
Kaagad naman ipinagbigay alam sa pulisya ang pagkakadiskubre sa kalansay na pansamantalang inilagak sa Harold Funeral Parlor para sa safekeeping.