Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Retiradong parak, tigbak sa ka-live-in

$
0
0

IPINAGTANGGOL ko lang ang sarili ko, kasi nakita ko na kinuha niya yong baril saka itinutok sa akin, pero nang maagaw ko, nagpambuno kami kaya nabaril ko siya ng apat na beses,”ito ang depensa ng isang 48 anyos na Area Supervisor ng Carpark nang maganap ang insidente kahapon ng madaling araw sa Malate, Manila.

Kusang loob na sumuko sa Manila Police District-Malate Police Station 9 bago inilipat sa MPD-Crime Against Persons Investigation Section ang suspek na nakilalang si Cynthia Baybayon, tubong Masbate, at naninirahan sa Lourdes St., Pasay City.

Nakilala naman ang biktimang si SPO1 Ernesto Mateo Y Chaves  na dating nakatalaga sa Pasay City Police District at residente ng 1911 Campillo ST., Malate.

Batay sa ulat na isinumiti ni Det. Rommel del Rosario kay P/Insp. Steve Casimiro, dakong 4:00 ng madaling araw, nang makarinig ng apat na putok ng baril ang ilang kapitbahay at tumambad sa nakasaradong pinto ang bangkay ng biktima, na may tama ng bala sa ulo, leeg, tagilirang bahagi ng katawan at sa tiyan.

Nabatid sa pulisya, malimit umanong nagtatalo ang magka-live in dahil sa pera, at bisyo ni SPO1 Mateo ang magsugal sa casino.

Kuwento ng ginang, magkasama umano sila ng ka-live-in sa casino sa United Nations Avenue, at nang matalo ay naisipan na ng dalawa na umuwi.

“Bumagsak pa ang buhos ng ulan, kaya tinakpan pa ng yero yong butas ng bubungan, pagkatapos ay hindi na nila ako pinauwi, dahil umuulan pa kaya napilitan akong mag-stay sa bahay niya (biktima),”ayon sa ginang.

Ilang saglit pa lamang umano nang maisipan ng ginang ang utang sa kanya ng biktima, at dito na umano nag-alsa ng boses si SPO1 Mateo hanggang sa kunin nito ang 22 kalibre baril na kanyang pag-aari, hanggang sa maagaw at maiputok ito sa biktima.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>