TODAS ang isang empleyado ng Liberal Party sa Pagadian City sa Zamboanga del Sur nang barilin ng hindi pa nakikilalang armadong lalaki bandang alas-8:45 kaninang umaga sa Purok Tinangkong Uno, Brgy. Balintawak.
Kinilala ang biktima na si Nelson Escario, driver ni Tyrone Singco, dating chief of staff ni ex-Governor Aurora Ceriles.
Naniniwala naman ang liderato ng Liberal Party sa lugar na posibleng may kinalaman sa plunder charges na inihain ni Singco sa mag-asawang Aurora at Antonio Cerilles kung saan ang biktima ang isa sa mga tumayong testigo, at kasalukuyang affiliation ng biktima.