Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Bagyong Bising, palabas na ng PHL

$
0
0

PAPALAYO na sa Area of Resposibility (AOR) ang bagyong si Bising makaraang bahagyang humupa ang epekto nito sa kalupaan ng Silangang Visayas at Luzon.

Sa kasalukuyan, ang lalawigan na lamang ng Catanduanes ang may umiiral na signal number one mula sa walong lalawigan kaninang umaga.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), bago magtanghali natukoy ang sentro ng bagyo sa layong 215 kilometro sa silangan ng Virac, Catanduanes.

Napanatili nito ang lakas ng hangin na aabot sa 45 kilometro bawat oras malapit sa gitna at bumilis ang usad sa 17 kilometro bawat oras sa direksyon ng hilaga-hilagang kanluran.

Dahil dito, patuloy pa rin ang babala ng Pagasa lalo na sa bahagi ng Catanduanes at mga kalapit na lugar na makakaranas pa rin ng mga pag-ulan maging sa bahagi ng Bicol Region.

Makararanas ng makulimlim na panahon ang silangang bahagi ng Luzon pati na ang Metro Manila ngunit hindi na inaasahan ang mga malalakas na pag-ulan sa halip maaring pag-aambon lamang.

Gayunpaman, nananatili pa rin ang babala ng Pagasa laban sa mga mangingisda at iba pang maliliit na sasakyan pandagat na iwasan munang pumalaot sa silangan ng Luzon dahil sa masungit pa rin ang lagay ng panahon sa karagatan.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>