NAKATAKDANG bumuo ng task force ang Department of Justice (DOJ) upang imbestigahan ang ilang krimen na kinasasangkutan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA), kabilang na ang extortion activities nito.
Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima , ang task force ay bubuuin ng state prosecutors at mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI).
Sinabi ng kalihim na ilan sa mga tututkan ng task force ay ang pag-atake kay Gingoog Mayor Ruthie Guingona, asawa ni dating Vice-President Teofisto Guingona Jr.
Magugunitang inako ng NPA ang pamamaril sa alkalde subalit iginiit ni kampo ni Guingona na mga rebelde ang unang nagpaputok.
Iimbestigahan din ang umano’y pangingikil ng rebeldeng grupo sa ilang kandidato na aabot sa ilang miyong piso.