Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all 8129 articles
Browse latest View live

Kelot inutas ng utol sa kanyang kaarawan

$
0
0

INIIMBESTIGAHAN na ng pulisya ang pamamaril ng isang lalaki sa sariling kapatid sa Bgy. Malag-it, Pontevedra, Capiz.

Pinag-aaralan ng pulisya ang anggulong away-pamilya sa pagkasawi ni Ricky Blasurca, 22, na nagtamo ng tama ng bala sa ulo.

Inihayag ni SPO3 Leony Dadivas, imbestigador ng Pontevedra police station, lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na binaril ang biktima sa mismong kaarawan nito ng kanyang kapatid.

Napag-alaman sa ama ng biktima na si Rogelio Blasurca na natagpuan na lamang nilang nakahandusay ang anak matapos makarinig ng isang putok ng baril.

Pinaniniwalaang alitan ang motibo ng insidente dahil maraming nakaaway sa mga kapatid ang biktima.

Inihahanda na ang kasong parricide sa kapatid ng biktima. MARJORIE DACORO


Negosyante itinumba sa datung

$
0
0

ISANG negosyante ang nasawi matapos barilin ng isang lalaki sa Lucena City.

Kinilala ang biktimang si Alem Ibrahem Pamlian, 22.

Nabatid na nagtungo sa bahay ng biktima ang suspek na si Randy Quinto, 35, para kunin ang pera nito sa negosyante.

Subalit agad namang inalmahan ng biktima ang alegasyon ng suspek dahil wala naman umano itong pera sa kanya na ikinagalit ni Quinto.

Walang pag-aalinlangan, agad na binaril ng suspek ang biktima sa kaliwang bahagi ng tiyan nito na tumagos sa kanang likuran.

Mabilis tumakas ang suspek matapos ang krimen habang isinugod sa pagamutan ang biktima na hindi na rin umabot nang buhay.

Tumanggi muna ang pamilya ni Pamlian na isailalim ito sa autopsy examination.

Sa ngayon, patuloy manhunt operation ng mga awtoridad laban sa suspek na nahaharap sa kasong homicide. MARJORIE DACORO

Pasay, Makati binulabog ng bomb threat

$
0
0

NAGKAGULO ang mga empleyado sa Pasay at Makati City makaraang makatanggap ng bomb threat kaninang umaga.

Unang natanggap ng bantang pagpapasabog dakong 10:00 ng umaga sa isang text message ng isang department head na sinundan ng bawat opisina sa City Hall at Hall of Justice.

Sa pangambang pagsabog, agad pinababa mula sa gusali ang mga empleyado.

Batay sa text message na ipinadala ng ‘di kilalang texter, “May bombang sasabog sa gusali, at sasabog ito anomang oras, dahil sa korapsyon, kung mahal pa ninyo ang inyong buhay, lumikas ng kayo ngayon din.”

Sa Makati, nahintakutan din ang mga empleyado dahil sa bantang pambobomba  kaninang umaga.

Ang bonb threat ay matapos ang isinagawang shake drill at pagdedeklara ni Pangulong Noynoy kay DILG Sec. Mar Roxas bilang standar bearer ng LP.

Sa ginawang pagrerekisa ng mga tauhan ng SWAT, walang nakitang bomba sa kapaligiran. JOHNNY ARASGA

3 patay sa ambush sa Isabela

$
0
0

PATAY ang tatlong lalaki makaraang tambangan ng ‘di pakilalang lalaki sa Isabela.

Nagpapatuloy pa ang pagsisiyasat ng Cordon Police Station hinggil sa pagpatay sa mga biktima na tinambangan sa Bgy. Sagat, Cordon, Isabela.

Sa paunang pagisisyasat ng pulisya, naganap ang papamaril sa tatlong biktima habang lulan sila ng tricycle.

Nakilala ang mga biktimang sina Lito Tacadeno at Richard Quilang na kapwa ng Angadanan, Isabela at alyas Ambong Opresa, ng Bgy. Gayung, Cordon.

Sa nakuhang impormasyon, lulan ang tatlo ng tricycle na minamaneho ni Opresa nang sila’y pagbabarilin ng mga pinaghihinalaang rebelde. JOHNNY ARASGA

Kelot nagpakamatay sa selos

$
0
0

LABIS na selos ang nakikitang dahilan ng pagpapakamatay ng isang pedicab driver sa Bgy. Tempra Guilig sa bayan ng Mangaldan sa Pangasinan.

Sa inisyal na impormasyon, nakita na lamang ng kanyang ama na si Alfredo Ocampo ang katawan ng biktimang si Joselito Ocampo, 28, residente ng nabanggit na lugar na nakabigti ng nylon cord sa kusina.

Sa imbestigasyon, nagkaroon ng matinding pag-aaway ang biktima at asawa nitong si Virginia Ocampo, 23, dahil sa hinalang may ibang lalaki ang kanyang misis.

Wala namang balak magsampa ng kaso at sinabing walang naganap na foul play sa pangyayari. MARJORIE DACORO

2 mangingisda, dinukot saka pinatay ng NPA

$
0
0

PATAY na nang matagpuan ang dalawang mangingisda matapos dukutin nang pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa lalawigan ng Masbate.

Kinilala ang mga biktimang sina Donel Arizobal, 29, at Roland Tupaz alyas Pisyong, kapwa mga residente sa lugar.

Napag-alamang na alas-5:30 ng umaga nang tangayin umano ang dalawa mula sa kani-kanilang mga bahay ng tinatayang nasa 20 mga NPA.

Agad dinala ang mga biktima sa bulubunduking bahagi sa kanilang lugar bago pinaulanan ng bala hanggang sa mapatay.

Nag-iwan naman ng sulat ang mga salarin na ipinatong pa sa katawan ng mga biktima kung saan nakalagay dito ang umano’y pagbibigay-leksyon ng mga rebelde sa dalawang nasa likod ng sunod-sunod na nakawan sa kanilang lugar. JOHNNY ARASGA

3 bahay sa Sultan Kudarat, hinagisan ng 4 granada

$
0
0

NAKALIGTAS ang mga miyembro ng pamilya ng tatlong bahay sa Purok 3, Bgy. Elbebe, Columbio, Sultan Kudarat, makaraang paulanan ng bala at hagisan ng granada ng hindi kilalang mga suspek nitong weekend.

Ayon kay P/Ins. Bernard Francia, hepe ng Sultan Kudarat PNP, natutulog lamang sa bawat bahay sina Muslimin Ali, 23; Imelda Dadog, 32; at Theng Dadog, 42; pawang mga magsasaka nang bigla na lamang silang paulanan ng bala at hinagisan pa ng apat na granada.

Hindi naman pumutok ang isa sa mga tinapong MK2 grenade kaya pinasabog na lamang ito ng EOD team sa ligtas na lugar.

Ayon kay Francia, iniimbestigahan pa nila kung ano ang motibo sa nasabing pangha-harass at kung sino ang mga nasa likod nito. JOHNNY ARASGA

Miyembro ng Masculados Dos, tigbak sa carjacker

$
0
0

PATAY ang isang miyembro ng grupong Masculados Dos matapos barilin ng hinihinalang carjacker kahapon, Linggo.

Pauwi na sana ang biktimang si Marcelo “Ozo” Ong sa Primerose Hills Subdivision sa Angono, Rizal nang sundan ito ng mga hinihinalang carjacker, pasado alas-3:00 nang madaling-araw.

Ayon sa guwardiyang si Sceffter Punzalan, sa entrance ng subdivision binaril si Ong ng isa sa mga suspek.

Pwersahan ding tinangay ng mga suspek ang Toyota HiLux ng 30-anyos na biktima.

Naitakbo pa sa Antipolo Doctor’s Hospital si Ong ngunit doon ay din binawian ng buhay.

Bulalas ng kapatid niyang si Jane sa mga suspek, “Sana kinuha mo na lang ‘yung sasakyan. Sana hindi mo na lang pinatay kapatid ko. Apat na bata, apat ang anak niya.”

May plakang AAO 2272 ang sasakyang inagaw ng mga suspek na inaalam pa ang pagkakakilanlan. JOHNNY ARASGA


1 dedo, 3 sugatan sa delivery van

$
0
0

BAGUIO CITY – Isang delivery van driver ang patay habang tatlo pa ang maluhang nasugatan nang maaksidente ang sinasakyang delivery van sa national road ng Suello Village sa nasabing lungsod noong kahapon, Linggo.

Nakilala ang namatay na si Bonifacio Pagtalunan at mga sugatang sina Abraham Rivera, 55, Christian Cruz, 19, at Edgar Velando, 40.

Sa imbestigasyon, sinabi ng Baguio City police na nangyari ang insidente bandang alas-7:30 nang umaga kung saan galing ang delivery van sa Marcos Highway at papunta ng contraction site upang mag-deliver ng lupa at bato sa isang golf course.

Habang tumatakbo ang trak ay nagkaroon ito ng problema at tumama sa road stone wall sanhi ng pagkakawasak nito.

Tumama ang ulo at katawan ng driver sa bakal habang tatlo ang tumilapon ilang metro mula sa crime scene.

Si Pagtalunan ay namatay habang dinadala sa Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC) habang ginagamot ang tatlo sa nasabi ring ospital. ALLAN BERGONIA

Mag-utol na Fil-Indians, dedo sa pamamaril

$
0
0

KAPWA patay ang magkapatid na Fil-Indians matapos barilin sa loob mismo ng kanilang pag-aari na canteen sa Dagupan.

Kinilala ang mga biktima na sina San Jey Khatri, 30, at Rajesh Khatri, 35, kapwa Filipino-Indians, ng Bgy. Bued sa Calasiao.

Nabatid na nagpunta ang dalawa sa kanilang kantina kasama ang kanilang ina para maghapunan nang bigla na lamang dumating ang dalawang hindi kilalang mga suspek na naka-helmet.

Walang sabi-sabing binaril ng mga ito ang magkapatid na dayuhan bago nagsitakas.

Isinugod pa sa pagamutan ang dalawa na idineklarang dead-on-arrival ang nakababatang Khatri, samantalang binawian ng buhay ang kapatid nito habang nilalapatan ng lunas.

Negosyo ang isa sa tinututukang anggulo sa insidente lalo’t kapwa negosyante ang mga biktima. JOHNNY ARASGA

Pamemeke ng mga dokumento sa Recto, bubusisiin

$
0
0

ISINUSULONG ngayon sa Kamara na imbestigahan ang patuloy na pamamayagpag ng tinaguriang Recto University o ang pamemeke ng mga diploma at ibang dokumento sa nasabing lugar.

Ayon kay Ang Nars Party-List Rep. Leah Paquiz, kailangang matukoy sa pagsisiyasat kung bakit hindi matigil-tigil ang iligal na produksyon ng lahat ng klase ng pekeng dokumento sa kabila ng mga mahihigpit na batas.

Sa House Resolution 2230, binigyan-diin ng mambabatas na matagal nang alam ng publiko na “one-stop-shop” ng mga pekeng dokumento ang Recto, mula sa diploma, school transcript, birth certificate, iba’t ibang ID, passport at iba pa.

Kailangan na umanong mahanapan ito ng sistematikong paraan kung papaano maipasasara at maipatitigil ang iligal na aktibidad ng mga sindikatong nasa likod nito.

Katwiran ng kongresista, maraming mga manggagawa lalo na ang OFWs ang nalalagay sa alanganin sa ibang bansa dahil sa pekeng dokumento ng mga ito.

Sa katunayan, ang Saudi Council of Engineers ay nakakalap ng mga impormasyon na daan-daang Pinoy engineers at architects ang nagtatrabaho sa naturang bansa gamit ang mga pekeng dokumento.

Marami ring Pinoy sa Saudi ang nahaharap sa kasong kriminal dahil sa paggamit ng pekeng credentials. JOHNNY ARASGA

Mag-amang magsasaka, todas sa pamamaril

$
0
0

INAALAM na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga salarin sa pamamaril sa mag-amang magsasaka sa lalawigan ng Masbate.

Kinilala ang mga biktimang sina Ariel Bartolay at Allan Bartolay mula sa Sitio Catandayagan, Bgy. Bartolabac, San Jacinto, Masbate.

Sa ulat, natagpuan na lamang ng kanyang mga kapamilya ang bangkay ni Allan na puno ng tama ng bala ang katawan.

Ilang oras lamang ang lumipas, katawan naman ni Ariel ang natagpuang duguan at puno ng tama ng bala ang katawan.

Sa ngayon, patuloy pa ang malalimang imbestigasyon ng mga awtoridad kaugnay ng insidente. MARJORIE DACORO

Pagtaas ng crime rate nang 47%, hindi totoo – PNP

$
0
0

PINASINUNGALINGAN ng pambansang pulisya na mali ang lumabas na ulat kung saan tumaas ng 47% ang bilang ng krimen sa buong bansa simula Enero hanggang Hunyo ng kasalukuyang taon.

Ayon kay Directorate for Investigative and Detective Management (DIDM) C/Supt. Augusto Marquez, sa katunayan ay bumaba pa nga nang 15.4% ang crime rate sa bansa base na rin sa kanilang record.

Sinabi ni Marquez na kanila nang sinisilip ang kanilang data upang matukoy ang lumutang na 47% increase sa crime rate.

Paliwanag ni Marquez, maaring ang nasabing record ay 2012-2013 data pa.

Dagdag pa niya na noong first half ng 2014, nasa 602,449 ang naitalang crime volume ngunit ngayong 2015, ito’y nasa 509, 924 na nagpapakita ng umano’y 15.4% decrease.

Samantala, ayon naman kay PNP spokesman C/Supt. Wilben Mayor, ang lumabas na report kaugnay sa pagtaas ng 47% crime volume ay hindi validated na figures.

Sinabi ni Mayor na ongoing na ang validation sa ground nang sa gayon ay maiwasto ang lumabas na figure. MARJORIE DACORO

Baby nalunod sa ilog, dedo

$
0
0

WALA ng buhay nang marekober ang nalunod na isang-taong gulang na batang lalaki sa Bgy. Canitoan sa lungsod ng Cagayan de Oro.

Ito’y matapos ang ilang araw na paghahanap sa biktimang si Charles Cabasan na umano’y misteryosong nahulog sa ilog at nakita sa Iponan River nitong siyudad.

Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO) spokesperson Virgil Lago, kataka-taka kung paano nakarating sa ilog ang biktima habang abala ang tiyuhin nitong umaakyat sa puno ng langka noong nakaraang araw.

Sinabi ni Lago na hindi umano namalayan ng tiyuhin ng biktima na umabot na sa gilid ng ilog ang baby sanhi ng pagkahulog nito.

Tanging pagdadalamhati na lamang ang naramdaman ng pamilya dahil sa sinapit ng biktima.

Una nang inamin ni Lago na hirap nilang mahanap at mailigtas ang biktima dahil sa lakas ng agos ng tubig-baha sa lugar. MARJORIE DACORO

Kinain pa ang puso: Lola tigbak sa apo

$
0
0

BRUTAL na pinatay ang isang 85-anyos na babae ng kanyang sariling apo kung saan kinain pa ang puso nito sa lalawigan ng Negros Occidental.

Kinilala ang biktimang si Olivia Jalaman, ng Purok Kabukiran, Bgy. Tapi, Kabankalan City, habang ang suspek na apo ay kinilalang si Robin Jalaman, 19.

Napag-alaman mula kay P/Supt. German Garbosa, hepe ng Kabankalan City Police Station, nadiskubre ang krimen matapos pumunta sa bahay ng mag-lola ang isa nilang kapitbahay at makitang nakabulagta ang biktima.

Sa pagresponde naman ng kapulisan ay kanilang nakita ang biktima na may sugat sa kaliwang didbdib at nawawala na ang puso.

Nasa loob din ng bahay ang salarin na umamin namang siya ang pumatay sa kanyang lola at kumain pa ng puso nito.

Naniniwala naman ang pulisya na kinain niya ito dahil wala kahit maliit na bahagi ng puso na natira sa loob ng bahay.

Ayon pa kay Garbosa, wala namang matinong sagot ang suspek sa kung ano ang dahilan nito sa pagpatay sa kanilang sariling lola maliban sa napag-tripan lang daw.

Nabatid na ang suspek at biktima lamang ang tanging nakatira sa nasabing bahay dahil nasa Maynila ang anak ng matanda.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at isasailalim sa pagsusuri ang kondisyon upang malaman kung ano ang nagtulak dito na gawin ang karumal-dumal na pagpatay sa kanyang lola. MARJORIE DACORO


Patay na fetus, natagpuan sa basurahan

$
0
0

INIIMBESTIGAHAN na ng Buhangin Police kung sino ang responsable sa pagtapon ng fetus sa basurahan na nasa harap ng Davao Merchant Marine Academy (DMMA), Tigatto Road, Buhangin, Davao City.

Nakita ng isang Danilo Bankal Banga, 52, empleyado ng CENRO na taga-Sitio Malamboon, Cabacan Ecoland, ang tinatayang anim na buwang babaeng fetus kaninang alas-9:05 ng umaga.

Nagulat umano si Banga nang kanyang mahawakan ang fetus na nakabalot sa supot habang nangongolekta siya ng basura.

Sa ngayon, nasa lokal na purenarya na ang nasabing fetus. MARJORIE DACORO

CAFGU dedo sa tuklaw ng ahas

$
0
0

HINDI inaasahan na tuklaw ng ahas ang kikitil sa buhay ng isang binatang aktibong miyembro ng CAFGU sa bayan ng Pili, Camarines Sur.

Kinilala ang biktimang si Elmer Oliva, 24.

Napag-alamanang naka-duty ang biktima sa CAFGU detachment sa Bgy. Caroyroyan sa nasabing bayan nang magdesisyon itong umuwi pansamantala sa kanilang bahay sa Bgy. Cadlan.

Pumunta umano pansamantala si Oliva sa kanilang palayan upang tingnan ito ngunit hindi nakita ng biktima ang cobra na nasa pilapil kaya naapakan niya ito.

Tinuklaw ng ahas ang hinliliit sa kaliwang paa ng biktima na agad namang nakahingi ng tulong.

Subalit sa halip na sa ospital dumiretso, dinala umano ito ng kanyang mga kaanak sa isang albularyo.

Dahil wala ang albularyo, itinakbo na sa ospital si Oliva subalit idineklara nang dead-on-arrival.

Tiniyak naman ngayon ng Philippine Army ang tulong-pinansyal na ibibigay sa pamilya ng namatay na CAFGU. MARJORIE DACORO

Kelot, timbog sa pag-araro ng 13-anyos na anak

$
0
0

IPINAKULONG ng isang ginang ang kanyang mister matapos madiskubreng hinahalay ang 13-anyos nilang anak sa Cebu.

Bukod sa pananakit sa kanyang misis na itinago sa pangalang Ana, natuklasang ginagahasa pa ang kanyang menor-de-edad na anak.

Napansin ng ina na wala sa sarili ang anak at madalas nakatingin sa malayo kaya pilit nitong tinanong kung anong problema kung saan umamin naman itong pinagsasamtalahan siya ng kanyang sariling ama tuwing wala sa bahay ang ina.

Kaya sa tulong ng National Bureau of Investigation (NBI), naaresto ang suspek na kuhanan pa ng isang pakete ng shabu.

Aminado naman ang suspek sa ibinibintang sa kanya kaya nahaharap ito ngayon sa patung-patong na reklamo. JOHNNY ARASGA

Arabo, nabiktima ng ‘Sex Bomb Gang’

$
0
0

NATANGAYAN nang halos P200,000 cash ang isang 56-anyos na negosyanteng Arabo nang mabiktima nang tinaguriang “Sex Bomb Gang” matapos magpapalit ng pera sa isang money changer sa Ermita, Maynila kagabi.

Personal na dumulog sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment Section (MPD-GAS) ang biktimang si Anter Slayem Maburak Salmen Alnuaimi, binata, pansamantalang nanunuluyan sa Room-E-45 Felisea Apartment, Bgy. Nueva, San Perdo City, Laguna.

Isang Lani Velasco, miyembro ng tinaguraing “Sex Bomb Gang” ng 258 Zaragosa St., Tondo at pito pang kasamahan nito na pawang kababaihan na naka-puti at asul na damit ang itinuturong mga suspek ng dayuhan.

Sa report ni SPO2 James Poso ng MPD-GAS, dakong 8:00 ng gabi nang naganap ang insidente sa harapan ng Arya Restaurant, Robinson Mall sa panulukan ng Pedro Gil at Adriatico St., Ermita, Maynila.

Sa imbestigasyon ni Poso, nagpapalit ito ng $1,000 sa isang money changer saka pumunta sa Robinsons Mall para makipagkita at magbigay ng perang pampagamot sa isang lalaking may kapansanan nang harangin siya ng tatlong babae, habang limang pa ang nakasunod sa kanyang likuran.

Naramdaman ng biktima na tila itinutulak siya, subalit dahil mga babae ay hindi nito pinansin hanggang sa tuluyang naglaho ang mga ito at mapansing wala na ang kanyang pitaka na naglalaman ng cash at mga identification cards (ID).

Bunsod nito, ini-report niya ang insidente sa MPD-Pedro Gil Station at nakita sa police gallery ang mukha ni Velasco na itinuro niyang isa sa mga suspek.

Sa ngayon ay kinikilala na ng mga awtoridad ang mga suspek. JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN

Tulak ng droga sa Malabon, patay sa pamamaril

$
0
0

PATAY ang isang padre de pamilya matapos barilin ng isang ‘di kilalang gunman sa mismong bahay nito sa Kaunlaran, Malabon.

Ayon sa anak ng biktima, may kumatok sa kanilang bahay na hindi naman tinanong ng kanyang ama kung sino ito at agad niyang pinagbuksan.

Pagbukas ng pinto, bigla na lang binaril ng suspek sa ulo ang kanyang ama sanhi ng agaran nitong pagkamatay.

Sa ulat, ang biktimang si Bogart Juance, 46, ay kilalang drug pusher sa lugar.

Bukod sa isang tama ng bala sa ulo, may mga tama rin ito sa katawan mula sa cal. 9mm. pistol.

Matapos ang pamamaril, kaswal lamang na naglakad palayo ang gunman na sinalubong ng dalawa nitong kasamahan na nagsilbing lookout.

Bukod sa mga paraphernalia, nakakuha ang mga pulis sa bahay ng biktima ng sampung pakete ng shabu.

Hinihinalang may kaugnayan ang krimen sa droga dahil sa mga narekober na drug paraphernalia at mga pakete ng shabu sa bahay ng biktima. JOHNNY ARASGA

Viewing all 8129 articles
Browse latest View live


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>