LAGUNA – Dead-on-the-spot ang riding-in-tandem na hinihinalang miyembro ng robbery holdup group matapos makipagpalitan ng putok sa mga elemento ng Provincial Intelligence Branch (PIB) at San Pablo City PNP sa checkpoint kamakalawa ng hapon sa Barangay. Sta. Ana, San Pablo City.
Kinilala ni P/Supt. Eric Dilag, hepe ng pulisya sa naturang lungsod ang isa sa dalawang nasawi na si Aldren Dote y Cadelino, residente ng Tiaong, Quezon habang ang kasama nito na hindi pa nakikilala ay inilarawan lamang na edad 30, may taas na 5″3, kayumanggi, nakasuot ng puting T-shirt, brown shorts at itim na sandals.
Sa ulat sa tanggapan ni P/SSupt. Pascual Munoz Jr., Laguna Police Provincial director, planong biktimahin ng mga suspek ang dalawang negosyanteng Bumbay.
Minalas ang mga suspek dahil natunugan ng mga awtoridad ang kanilang plano kaya sa pamamagitan ng inilatag na checkpoint ay nasabat ang mga ito.